3 kawatan ng bike arestado

BULACAN, Philippines   — Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na kawatan ng motorsiklo ang nadakma ng mga alagad ng batas sa magkahiwalay na lugar sa Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni P/Supt. Eric Noble na isinumite kay P/Senior Supt. Fernando Mendez Jr., kinilala ang mga suspek na sina Christian Paul Nepomuceno, 20; Eduardo Zaparita Jr., 20, kapwa nakatira sa Brgy. Zamora; at si Danilo Rasi, 31, ng Brgy. Pandayan. Base sa ulat, sina Nepomuceno at Zapanta ay inaresto matapos maaktuhang ibibenta ang ninakaw na motorsiklo na pag-aari ni Mailo Mateo ng Brgy. San Gabriel, Sta. Maria, Bulacan. Samantala, si Rasi ay dinakma ng pulisya matapos maaktuhan sa bakanteng lote na kinakalas ang mga bahagi ng motorsiklo na pag-aari naman ni Juanito Alba.

Show comments