^

Probinsiya

UP coed ni-rape slay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 19-anyos na estudyante sa UP Los Baños matapos itong pahirapan pinagsasaksak pa ng screw driver at binaril kung saan pinaniniwalaang hinalay  rin ng dalawang 'di-kilalang lalaki sa Barangay Tuntungin-Putho sa bayan ng Los Baños, Laguna kamakalawa.

Kinilala ni P/Senior Supt. Gilbert Cruz, director ng Laguna Provincial Police Office ang biktima na si Given Grace Cebanio, 3rd year Computer Science sa UP Los Baños.

Bandang alas-7:10 ng umaga  kahapon ng makatanggap ng tawag sa telepono ang himpilan ng pulisya sa Los Baños hinggil sa natagpuang bangkay ng biktima sa damuhan sa kahabaan ng IPB Road.

Ang biktima ay nagtamo ng mga saksak sa likurang bahagi ng katawan, may tama ng bala ng baril, nakagapos ang mga kamay, nakabusal ng panyo ang bibig na nilagyan pa ng masking tape.

Gayundin, walang pang-ibabang saplot, nasa tabi  ng bangkay ang panty at short, nakasuot ng rosas na t-shirt  at nakasuot ng tsinelas nang natagpuan ni Roland Soliman matapos na mapagawi sa nasabing lugar.

Samantala, isa sa mga suspek ang inaresto pero tumanggi munang tukuyin ang pangalan nito habang patuloy ang dragnet operation sa isa pa nitong kasamahan.

vuukle comment

BANDANG

BARANGAY TUNTUNGIN-PUTHO

COMPUTER SCIENCE

GAYUNDIN

GILBERT CRUZ

GIVEN GRACE CEBANIO

LAGUNA PROVINCIAL POLICE OFFICE

LOS BA

ROLAND SOLIMAN

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with