^

Probinsiya

6 hinostage sa bank robbery

Nila -

CAVITE, Philippines  — Anim-katao kabilang ang limang kawani ang hinostage ng apat na armadong kalalakihan sa naganap na bank robbery sa bayan ng Bacoor, Cavite kahapon ng hapon. Sa ulat ni P/Supt. Edgar Roquero, hepe ng Bacoor PNP, dakong alas-12 ng tanghali nang holdapin ng apat na kalalakihan ang Masuwerte Rural Bank sa kahabaan ng Zapote Road.

Kaagad naman rumes­ponde ang pulisya na may 300 metro lamang ang layo ng himpilan habang nasa loob pa ng banko ang mga holdaper kung saan hinostage ang limang kawani at isang depositor.

Mabilis na binuo ang Crisis Management Committee sa pamumuno nina P/Senior Supt. John Bulalacao at Ba­coor Mayor Strike Revilla habang pinamunuan naman ni P/Supt. Red Maranan ang negosasyon. Sa kainitan ng hostage-drama ay pinalaya ng mga holdaper ang bookkeeper ng banko na si Danilo Gonzales dahil sa may sakit na diabetes. Ipinaabot naman ng mga holdaper ang kanilang demand sa pama­magitan ng clerk ng banko na si Luz de la Cruz na palalayain ang mga bihag at susuko sila basta’t mag-pullout lamang ang mga pulis.

“Ayaw naming mamatay at ayaw din naming pumatay, ayaw naming sumuko sa mga pulis, kay Mayor Strike Revilla kami susuko,” pahayag ng isang suspek na nagpakilalang  sa pangalang Johnny. Dakong alas-2:44 ng hapon nang sumuko ang mga suspek kung saan pinalaya ang limang bihag kabilang ang isang guwardiya, bank depositor at mga kawani. Iniwan ng mga holdaper ang kanilang mga armas sa loob ng bangko. Kinilala ang mga suspek na sina Libron Escolla, 37; Johnny Lipata, 33, tubong Samar; Edwin Francisco, 48, ng Masbate at Renato Rosales, 35, trike driver, tubong Pangasinan at pawang nakatira sa Parañaque City.

Lumilitaw sa imbestigas­yon na naghahanap ng trabaho ang mga suspek hanggang sa mapagkasun­duang mangholdap ng banko.

BACOOR

CRISIS MANAGEMENT COMMITTEE

DANILO GONZALES

EDGAR ROQUERO

EDWIN FRANCISCO

JOHN BULALACAO

JOHNNY LIPATA

LIBRON ESCOLLA

MAYOR STRIKE REVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with