^

Probinsiya

Mag-asawa, 3 anak minasaker

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines   – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng mag-asawa at tatlo nilang anak kabilang na ang 2-buwang gulang na sanggol makaraang pagtatagain ng kanilang kapitbahay na lango sa alak sa liblib na bahagi ng Purok 1 sa Barangay Sta. Fe­lomina sa San Pablo City, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Ferdinand De Castro, hepe ng San Pablo City PNP ang mag-asawang napaslang na sina Bay Rendon, 40; Maricel Rendon, 24; mga anak na sina Jay-Em, 7; Jomari, 5; at Marijoy, 2 buwang gulang, ng nasabing barangay.

Nakaligtas naman ang 8-anyos na anak ng mag-asawa na si Margie na nagtamo ng taga sa kaliwang dibdib kung saan gumapang palabas ng kanilang bahay kahit na sugatan at ngayon ginagamot sa Batangas Provincial Hospital.

Sa follow-up operation ng pulisya nasakote naman ang suspek na si Ernie Tambuong, 19, tubong bayan ng Bato, Camarines Sur at residente din ng nasabing barangay.

Lumilitaw na tinyempuhan ng suspek ang mga biktima na natutulog sa kanilang tahanan sa nasabing barangay kung saan pinagtataga gamit ang machete bandang alas-11:30 ng gabi.

Sa panayam kay P/Supt. De Castro, nag-inuman pa sina Bay Rendon at Tambuong malapit sa bahay ng mga biktima nang mauwi sa mainitang pagtatalo.

Nagalit ang suspek kay Rendon dahil malimit siyang pagbantaan at pinaaalis sa kanilang barangay dahil dayo lamang ito. Nabatid na pinagbibintangan ng mag-asawa ang suspek na pumatay sa alaga nilang kabayo. “Lagi kasi nila akong pinagbibintangang pumatay ng alaga nilang kabayo kaya ko nagawang patayin sila,” pahayag ng suspek sa pulisya.

BARANGAY STA

BATANGAS PROVINCIAL HOSPITAL

BATO

BAY RENDON

CAMARINES SUR

DE CASTRO

ERNIE TAMBUONG

FERDINAND DE CASTRO

MARICEL RENDON

SAN PABLO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with