11 bulagta sa Abra encounter

SOLANO, Nueva Vizcaya  ,Philippines — Sampung rebeldeng New People’s  Army kabilang ang dalawang amasona at isang sundalo ng Philippine Army ang kumpirmadong nasawi sa patuloy na sagupaan ng mga rebelde at tropa ng militar sa Bayan ng Lacub, Abra simula pa kahapon ng umaga. Kinumpirma ni Maj. Gen. Rommel Gomez, hepe ng 5th Army Division sa Camp Upi, Gamu, Isabela na naka-engkuwentro ng mga sundalo ng 41st Infantry Battalion ni Col. Noel Baluyan ang mga rebeldeng kasapi ng Northeast command ng NPA. Habang sinusulat ang balitang ito ay nagpapatuloy ang bakbakan sa kabundukang bahagi ng Lacub hanggang sa Barangay Caganayan sa bayan ng Tineg.

Show comments