Ice plant owner kinidnap

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) rogue element  ang negosyanteng misis sa Barangay Poblacion sa bayan ng Pitogo, Zamboanga del Sur kamaka­lawa ng gabi.

Sa phone interview, kinilala ni Zamboanga del Sur Provincial Police Office Director P/Senior Supt. Bayani Gucela ang biktima na si Monaliza Kapa, 40, ice plant owner at isa rin sa mga negosyanteng nasa fishing industry sa nasabing lalawigan.

Bandang alas-6 ng gabi nang tangayin si Kapa matapos itong tutukan ng baril saka kaladkarin pasakay sa pump boat kung saan na-monitor na patungo sa bahagi ng Zamboanga Sibugay sa pinagkukutaan ni MILF Commander Waning Abdusalam na sinasabing sangkot sa kidnap-for-ransom sa Zamboanga Peninsula.

Sa kasalukuyan, wala pang hinihinging ransom ang mga kidnaper habang bumuo na ng Crisis Management Committee para sa ligtas na pagpapalaya sa bihag.

Sa follow-up operations, dalawang suspek na hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan ang isinailalim sa imbestigasyon sa posibleng may kinalaman sa pagdukot sa negosyante.

Show comments