^

Probinsiya

3 Bolt-Cutter Gang dedo sa shootout

-

BATANGAS ,Philippines  – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng Bolt Cutter Gang ang napatay matapos makipagbarilan sa mga alagad ng batas sa bahagi ng Barangay San Roque sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang mga napaslang na sina Leoncio Vallentos ng Cebu City; Diosdado Escrada ng San Isidro, Mabini, Bohol; at si Francisco Lacuarin ng Barangay Calamansian, Caloocan City.

Sa ulat na nakara­ting kay P/Senior Supt. Rosauro Acio, nagpapatrolya ang mga pulis lulan ng mobile patrol car nang matiyempuhan ang dalawang lalaki na kahina-hinala ang mga ikikilos sa harap ng computer shop bandang alas-4:45 ng madaling-araw.

Tinangkang lapitan at sitahin ang dalawang lalaki subalit biglang nagpulasan kung saan mabilis na sumakay sa kanilang owner-type jeep na minamaneho ng kanilang kasabwat.

Nagkahabulan ng ilang minuto hanggang sa makorner ang sasakyan ng tatlo na imbes na sumuko ay nakipagbarilan sa mga pulis.

Hindi na nakalabas ng sasakyan ang tatlo matapos na mapatay kung saan narekober ng isang bolt cutter, crow bar at tatlong baril.

BARANGAY CALAMANSIAN

BARANGAY SAN ROQUE

BOLT CUTTER GANG

CALOOCAN CITY

CEBU CITY

DIOSDADO ESCRADA

FRANCISCO LACUARIN

LEONCIO VALLENTOS

ROSAURO ACIO

SAN ISIDRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with