^

Probinsiya

5 patay sa shipyard tragedy

- Ni Alex Galang -

Subic, Zambales, Philippines  — Lima katao ang patay samantalang walong iba pa ang nasa malubhang kalagayan makaraang aksidenteng mabagsakan ng steel platform sa isang ginagawang barko sa Keppel shipyard sa bayang ito kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat na nakalap kay P/Insp. Ra­mil Menor, Deputy Police Chief ng Subic Municipal Police Station, kinilala ang mga namatay na sina Mark San Juan, Jaylord Reyes, Glen Miranda, Crisander Papna na dead-on-the-spot sa pinangyarihan ng insidente habang namatay naman sa ospital si Ronal Lara.

Nabatid sa imbestigas­yon na dakong alas-10:20 ng umaga nang bumagsak ang steel platform ng MV Tombarra na ginagawa sa Forward Dry Dock ng naturang shipyard at madaganan ang mga biktima.

Walong iba pang mga manggagawa din ang grabeng nasugatan na dinala sa iba’t ibang ospital sa Olongapo City.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang malagim na sakuna.

CRISANDER PAPNA

DEPUTY POLICE CHIEF

DRY DOCK

GLEN MIRANDA

JAYLORD REYES

MARK SAN JUAN

MUNICIPAL POLICE STATION

OLONGAPO CITY

RONAL LARA

SUBIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with