^

Probinsiya

13 anyos pupil, nagbigti

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahilan hindi naibili ng uniporme sa boy scout at matinding kalungkutan sa paghihiwalay ng kaniyang mga magulang, nag-suicide ang isang 13 anyos na batang lalaki matapos itong magbigti sa puno ng mang­ga sa Brgy. Maghanoy, Barili, Cebu kamakalawa.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 7, kinilala ang biktima na si Ramsel Halos, residente sa naturang lugar, isang kandidatong va­ledictorian sa Grade VI sa Maghanoy Elementary School.

Bandang alas-5 ng h­apon ng madiskubre ang biktima na nakabigti ng lubid sa puno ng mangga sa likurang bahagi ng tahanan ng lola nito na nag-aalaga sa bata matapos maghiwalay ang kaniyang mga magulang na may kani-kaniya ng mga pamilya.

Ayon sa kuwento ng mga kamag-aral ng biktima, maraming beses umanong nabanggit sa kanila ni Halos na magpapakamatay siya kapag tuluyan siyang hindi binalikan ng kaniyang mga magulang sa kaniyang lola.

Bukod dito, lumilitaw rin sa imbestigasyon na nagtampo rin ang biktima sa kaniyang lola matapos siyang hindi nito maibili ng uniporme sa boy scout na lalo pang nakapagpa-grabe ng kalungkutan ng bata.

Sa tindi ng kahihiyang inabot dahilan walang uniporme ng boy scout ay umuwi umano ang biktima kung saan nag-suicide na ito sa puno ng mang­ga gamit ang isang mahabang lubid.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito.

vuukle comment

AYON

BANDANG

BARILI

BRGY

BUKOD

CEBU

DAHILAN

MAGHANOY ELEMENTARY SCHOOL

POLICE REGIONAL OFFICE

RAMSEL HALOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with