6 babae nasagip sa sex den

BULACAN, Philippines — Anim na kababaihan na sinasabing sapilitang pinagbebenta ng panandaliang-aliw ang na­iligtas sa kapariwaraan makaraang salakayin ang sex den sa Barangay Poblacion sa bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal namang kinasuhan ng naaresto dalawang suspek na bugaw na sina Daniel Peregrina, 34, ng Brgy. Tilapayong at Annabelle Castro, 37, ng Barangay Virgen De Los Flores. Ang pagsalakay sa sex den ay pinangunahan ni P/Supt. Rizalino Andaya matapos makipag-ugnayan kay Josephine Labasbas ng Municipal Social Development Welfare Office. Nabatid na nagpanggap na customer sa sex den ang isang pulis kaya nagtagumpay ang inilatag na operasyon laban sa human trafficking.

Show comments