^

Probinsiya

Sanggol nilamon ng apoy

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Masyadong maaga ang salubong ni kamatayan sa isang 8-buwang sanggol na babae matapos makulong  sa nasusunog nilang tahanan sa Barangay Cuyab, San Pedro sa Laguna noong Miyerkules ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Kirby Jhon Kraft, hepe ng San Pedro PNP ang biktima na si  Shena Mae Combite na halos hindi na makilala sa grabeng pagkasunog ng katawan. Sa phone interview, sinabi ni Kraft na naputulan ng kuryente ang tahanan ni Julia Marinas, 65, biyuda kung saan gumamit na lamang ng kandila subalit natumba hanggang sa magliyab ang buong kabahayan. Nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ng matanda saka kumalat kung saan nakaligtaan naman ang natutulog na apo na kaniyang inaalagaan. Sa inisyal na ulat ng mga arson investigator, umaabot sa P.3 milyong halaga ng air-arian ang naabo.

vuukle comment

BARANGAY CUYAB

JULIA MARINAS

KINILALA

KIRBY JHON KRAFT

MASYADONG

MIYERKULES

NAGSIMULA

SAN PEDRO

SHENA MAE COMBITE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with