CAVITE, Philippines – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang bungangerang misis ng kanyang mister na sinasabing nairita sa katatalak ng una sa bayan ng Naic, Cavite kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Naic Doctor’s Hospital ang biktimang si Cristina Luba habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Emilio Encarnacion, 35, kapwa nakatira sa Barangay Kanluran ng bayang nabanggit. Sa imbestigasyon ni PO1 Michael Benesen, naganap ang insidente matapos magtalo ng mag-asawa sa labas ng kanilang bahay kaugnay sa problemang pinansyal. Sinasabing naburyong ang mister sa tinuran ng kanyang misis kaya biglang pumasok sa kanilang tahanan kung saan pagbalik ay sunud-sunod na inundayan ng saksak ang babae.