^

Probinsiya

2 actor, 3 pa tiklo sa drug bust

-

RIZAL, Philippines — Dalawang miyembro ng Star Struck sa television network at tatlong iba pa ang nadakma sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng PNP-Anti-Illegal Drugs Special Action Task Force sa Antipolo City, Rizal kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Ro­dino Elfa, hepe ng Antipolo City PNP, ang mga suspek na sina Jericho Rizaldo, 22, top 14, Jasmin St., Phase 3, Town and Country Subd., Antipolo City; at Vivo Duano, 21, top 7, #18 Malinis Street, UP Village, Quezon City at kapwa miyembro ng Star Struck Batch 3.

Habang nakilala naman ang iba pang suspek na sina Charles Joseph Lacson, 24, ng Unit 3 E, Cortijos Condo, Eisenhower Street, Greenhills, San Juan City; Joho Pangi­linan, 22, estudyante, residente ng # 59 Mahiyain Street, Teachers Village, Quezon City at si Joshua Cue, 21, ng #45 Annapolis St., Greenhills, San Juan.

Ang mga suspek ay nasakote dakong alas-7:50 ng gabi sa loob ng tahanan ni Rizaldo matapos magbenta ng Bangkok pills sa isang pulis na poseur buyer sa inilatag na buy-bust operations. Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos maaktuhan ng pulisya sa modus operandi.

Nasamsam sa mga suspek ang mga drug paraphernalia, iba’t ibang tablet na kilalang Bangkok pills at pira-pirasong pinatuyong dahon ng marijuana.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga suspek. Mer Layson at Joy Cantos

vuukle comment

ANNAPOLIS ST.

ANTIPOLO CITY

CHARLES JOSEPH LACSON

CORTIJOS CONDO

DRUGS SPECIAL ACTION TASK FORCE

EISENHOWER STREET

GREENHILLS

JASMIN ST.

JERICHO RIZALDO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with