BATAAN, Philippines – Pinaniniwalaang nasawi ang 17 mangingisda na lulan ng dalawang bangka matapos lamunin ng dagat sa karagatang sakop ng Mariveles sa Bataan noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Pedring.
Kinilala ni P/Senior Supt. Arnold Gunnacao, ang mga mangingisdang lulan ng FB Princess Angela at FBLorena 2 na sina Alfredo Arnado, boat captain; Arcadio Maratos, Christian Tomas, Raffy Tayong, Alexander Pagoy, Aki Orebia, LoloVallescas, alyas Boyet, Leo Herotivo, Erni Abergonzado, Wilfredo Arendian, Danny Torefranca, Tunrey Gupong, Ruben Sumayo, Dodong Garcia, Charlie Orebia, at si alyas Dodong, pawang nakatira sa Barangay Sisiman, Mariveles.
Ayon kay P/Supt. Joel Tampis, hepe ng Mariveles PNP, naglayag ang mga biktima para mangisda kahit masungit ang panahaon dulot ng bagyong Pedring kung saan hanggang sa kasalukuyan ay hindi makontak sa kaniyang cell phone ang mga biktima.
Gayon pa man, nakipag-ugnayan na ang Bataan PNP sa Philippine Coast Guard at PNP Maritime para magsagawa ng search and rescue operation.