^

Probinsiya

16-anyos inutas sa bugbog ng amain

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 16-anyos na binatilyo na sinasabing ginasta ang pambili ng 1-kilong bigas matapos itong gulpihin ng kanyang amain sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Malabuyoc, Cebu kamakalawa. 

Naisugod pa sa M.J. Cuenco District Hospital subalit namatay din habang ginagamot si John Rey Manlisic habang na­aresto naman at pormal na kakasuhan ang suspek si Renato Reyes, 44, ng Barangay Montañeza.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame,  lumilitaw na dakong alas-9 ng umaga ay inutusan ni Reyes ang biktima na bumili ng 1-kilong bigas sa tindahan para maisaing para sa pananghalian.

Gayon pa man, natukso ang binatilyo na mag-computer games matapos itong yayain ng kaniyang mga kaibigan kaya nagasta ang pambili ng bigas at umuwi itong walang isasaing sa kanilang tanghalian.

Sa matinding galit dahil sa gutom na si Reyes ay binugbog ang biktima hanggang sa hindi na ito makagulapay  na umaagos  ang dugo sa ilong sa tinamong mga sugat, pasa sa katawan.

Sa presinto, itinanggi naman ng suspek na ginulpe niya ang biktima sa pagsasabing hinagupit lamang niya ito ng palo at pinatikim ng kaliwa’t-kanang sampal dahil sa matinding galit.

vuukle comment

BARANGAY MONTA

CAMP CRAME

CEBU

CUENCO DISTRICT HOSPITAL

GAYON

JOHN REY MANLISIC

MALABUYOC

NAISUGOD

RENATO REYES

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with