Shootout: Suspek sa bank robbery todas

CAMP VICENTE LIM, Laguna ,Philippines  – Kamatayan ang sumalubong sa isa sa tatlong humoldap sa bangko noong Huwebes ng hapon (Sept. 22) matapos makipagbarilan sa mga pulis sa San Pablo City, Laguna kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Senior Supt. Gilbert Cruz, Laguna police director ang napatay na si Joel Canlas, 29, ng Barangay San Isidro, Catanauan, Quezon. Sa tala ng pulisya, si Canlas na miyembro ng Gerona robbery gang ay isa sa tatlong nanloob ng United People’s Rural Bank sa M. Paulino St., Barangay 3-D sa San Pablo City.

Nabatid na pinahinto ng mga nagbabantay sa checkpoint sa Tropical Park Subd. sa Barangay Concepcion si Canlas na lulan ng motorsiklo.

Imbes na huminto, pinaputukan ni Canlas ang mga pulis. Kung saan nauwi sa shootout. Ang grupo ni Canlas ang sinasabing tumangay ng P1.5 milyon mula sa nasabing banko kung saan sinasa­bing may kasabwat na guwardiya na kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya.

Show comments