P50-M medical modernization program inilarga
ZAMBALES, Philippines — Tinatayang aabot sa P50 milyong halaga ng modernong kagamitang ipapamahagi sa Ramon Magsaysay Memorial Hospital bilang bahagi ng health and medical services modernization program ni Zambales Governor Jun Ebdane.
Nilagdaan na ni Gov. Ebdane ang memorandum of agreement para sa jont venture ng Zambales provincial government at ng High Integrated Medical Engineering Exponent Corp. Inc. na magiging supplier at magmamantine sa mga modernong kagamitan tulad ng CT-scan, ultra sound at X-ray machines.
Sa pahayag ni Rema Ohno, HIMEX senior executive vice-president at chief operating officer, kabilang sa P50-milyong proyekto ang konstruksyon at renovation ng mga silid na paglalagakan ng mga kagamitan.
“Sa kabila aniya na napakalaking investment ang nasabing proyekto ay wala naman ilalabas na pondo ang pamahalaang panlalawigan bagkus ay ang HIMEX ang maglalagay ng sistema na kapalit lamang ay ang 50% para sa service fees at charges para sa paggamit ng mga makina,” paliwanag ni Ebdane.
Sa pamamagitan ng joint venture project ay nabuksan ang opurtunidad ng probinsiya na mapataas ang medical and hospitalization services sa pamamagitan ng “shared-income arrangement,” pagdidiin pa ni Ebdane.
- Latest
- Trending