^

Probinsiya

Presinto ni-raid ng NPA: 2 pulis sugatan

- Ni Ed Casulla -

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  — Dalawang pulis ang iniulat na nasugatan makaraang lusubin ng mga armadong rebeldeng New People’s Army ang himpilan ng pulisya sa ba­yan ng Barcelona, Sorsogon noong Biyernes.

Kinilala ang mga na­sugatang pulis na sina PO2 Joel Encinares, nagtamo ng tama ng bala sa magkabilang teynga at PO1 Jessie Doloiras.

Lumilitaw na habang pumapasok sa gate ng presinto ay nagpaputok agad ang mga rebelde kung saan agad namang dumepensa ang mga pulis na nakabantay sa pamumuno in P/Inspector Edgar Azotea na nakipagpalitan ng putok sa umaatakeng mga kalaban.

Tumagal ng may isang oras ang bakbakan bago nagsiatras ang mga rebelde patungo sa direksyon ng kabundukan kung saan dalawang pulis ang nasugatan. Kaagad naman na rumesponde ang mga sundalo ng 49th IB ng Phil. Army at ang Sorsogon Provincial Command upang saklolohan ang mga pulis.

Narekober naman sa loob ng compound ng himpilan ang mga bala ng malalakas na kalibre ng armas kabilang ang M203 grenade launcher at M16 armalite rifles.

vuukle comment

BIYERNES

DALAWANG

INSPECTOR EDGAR AZOTEA

JESSIE DOLOIRAS

JOEL ENCINARES

KAAGAD

LEGAZPI CITY

NEW PEOPLE

SORSOGON PROVINCIAL COMMAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with