14-anyos dinedo sa gulpi ng 16-anyos

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  — Isang 14-anyos na binatilyo ang iniulat pinatay sa gulpi ng kanyang kalaro sa baraha sa Zone 5, Barangay Abella sa Naga City, Albay kahapon ng madaling-araw.

Nagtamo ng maraming pasa sa katawan at hindi na umabot nang buhay sa Bicol Medical Center ang biktimang si Andrew Sorio. Habang nasa custody ng lokal na sangay ng DSWD ang suspek na itinago sa pangalang Kiko, 16.

Batay sa ulat ng pulisya, naglalaro ng baraha ang da­lawa nang mapikon ang suspek sa biktima na nauwi sa mainitang komprontasyon.

Kasunod nito ay pinagsusuntok at tinadyakan ng suspek ang kalarong biktima kung saan inawat naman ng ilang kalalakihan. Dahil sa duguang nakagulapay ang biktima ay dinala ito sa ospital subalit idinekla­rang patay.

Show comments