Nursing stude nagbigti

CAMARINES NORTE, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang isang 3rd year Nursing student na sinasabing may matinding problema matapos itong magbigti sa bakanteng bahay sa Alfonso Homes Subd. Barangay Pacol, Naga City sa Camarines Sur kamakalawa. Bandang alas-10:50 ng umaga nang matagpuan ang nakabiting katawan ni Jonathan Hife, 27, na may takip pa ang mga mata. Ayon kay P/Insp. Rommel Tino, nag-iwan ng suicide note ang biktima kung saan nakasaad na panoorin na lamang ang kanyang huling ipinos na video sa Facebook. Napag-alaman pa na gumawa ng countdown si Hife sa kanyang Facebook bago tuluyang magbigti.

Show comments