MANILA, Philippines - Binulabog na naman ng kaguluhan ang malaking shopping mall matapos na barilin ang 17-anyos na lalaki ng kanyang 13-anyos na lover na bading bago nagtangkang mag-suicide sa loob ng mall sa San Fernando Ctiy, Pampanga kahapon ng tanghali.
Sa phone interview, kinilala ni P/ Supt. Wilson Santos ang dalawa na kapwa nasa kritikal na kondisyon ay itinago sa pangalang Rommel ng Meycauayan Bulacan na sinasabing bumaril sa ulo ng lover nitong itinago sa pangalang Jerry ng Mabayawan, Olongapo City.
Lumilitaw na nasa tapat ng grill restaurant sa Building 3 Annex 2 ng mall ang biktimang si Jerry 17, nang bigla na lamang lapitan at barilin ni Rommel sa ulo gamit ang cal. 22 revolver.
Kasunod nito ay nagbaril din sa ulo ang bading kung saan ang dalawa ay kapwa nasa kritikal na kondisyon sa San Fernandino Hospital.
Bunga ng insidente ay sumiklab ang kaguluhan kung saan nagpulasan ang mga shopper sa mall sa takot na madamay.
Nakuha naman ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang suicide note sa bulsa ng pantalon ni Rommel na nakasaad na- “I’m willing to die together with Jerry”.
Sa nakalap na impormasyon ng pulisya na nakikipagkalas na si Jerry kay Rommel dahil nais na nitong magbagumbuhay pero ayon sa opisyal ay patuloy nila itong iniimbestigahan.
Samantala, sinisiyasat din kung paanong nakalusot sa mall ang nasabing 13-anyos na bading na may bitbit na baril.
Magugunita na naganap din ang pamamaril at pagkakapatay sa loob ng malaking mall sa North Edsa, Queon City kung saan binaril ni Shiela Macapugay ang kanyang mister na si Abel, promo merchandizer sa appliance store na ikinamatay din ng civilian guard noong Setyembre 14. Dagdag na ulat ni Ding Cervantez