^

Probinsiya

17-anyos binaril ng 13-anyos sa mall

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Binulabog na naman ng kaguluhan ang malaking shopping mall matapos na barilin ang 17-anyos na la­laki ng kanyang 13-anyos na lover na bading bago nagtangkang mag-suicide sa loob ng mall sa San Fernando Ctiy, Pampanga kahapon ng tanghali.

Sa phone interview, kinilala ni P/ Supt. Wilson Santos ang dalawa na kapwa nasa kritikal na kondisyon ay itinago sa pangalang Rommel ng Meycauayan Bulacan na sinasabing bumaril sa ulo ng lover nitong itinago sa pangalang Jerry ng Maba­yawan, Olongapo City.

Lumilitaw na nasa tapat ng grill restaurant sa Buil­ding 3 Annex 2 ng mall ang biktimang si Jerry 17, nang bigla na lamang lapitan at barilin ni Rommel sa ulo gamit ang cal. 22 revolver.

Kasunod nito ay nagbaril din sa ulo ang bading kung saan ang dalawa ay kapwa nasa kritikal  na kondisyon sa San Fernandino Hospital.

Bunga ng insidente ay sumiklab ang kaguluhan kung saan nagpulasan ang mga shopper sa mall sa takot na madamay.

Nakuha naman ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang suicide note sa bulsa ng pantalon ni Rommel na nakasaad na- “I’m willing to die together with Jerry”.

Sa nakalap na impormas­yon ng pulisya na nakiki­pagkalas na si Jerry kay Rommel dahil nais na nitong magbagumbuhay pero ayon sa opisyal ay patuloy nila itong iniimbestigahan.

Samantala, sinisiyasat din kung paanong nakalusot sa mall ang nasabing 13-anyos na bading na may bitbit na baril.

Magugunita na naganap din ang pamamaril at pagkakapatay sa loob ng ma­laking mall sa North Edsa, Queon City kung saan binaril ni Shiela Macapugay ang kanyang mister na si Abel, promo merchandizer sa appliance store na ikinamatay din ng civilian guard noong Setyembre 14. Dagdag na ulat ni Ding Cervantez

vuukle comment

DING CERVANTEZ

MEYCAUAYAN BULACAN

NORTH EDSA

OLONGAPO CITY

QUEON CITY

ROMMEL

SAN FERNANDINO HOSPITAL

SAN FERNANDO CTIY

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SHIELA MACAPUGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with