94-anyos lolo natusta sa sunog

CAMARINES NORTE  ,Philippines – Isang 94-anyos na lolo ang iniulat na nasawi makaraang hindi makalabas mula sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Bautista sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng umaga. Halos hindi na makilala ang katawan ng biktimang si Angel Rocas matapos makulong sa naglalagablab na bahay. Lumilitaw na nag-iisa sa bahay ang biktima matapos pansamantalang iwan ng kanyang anak na sinasabing bumili ng kape at asukal sa tindahan. Hindi na nakuhang mailigtas pa ang matandang Rocas mula sa nasusunog na bahay.

Show comments