Lolo todas sa sunog

MANILA, Philippines - Isang 73-anyos na lolo ang nasawi matapos makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nitong tahanan sa Purok 8, Catalunan, Pequeno ng lungsod ng Davao nitong Biyernes ng madaling-araw. Halos nagmistulang uling at hindi na makilala ang bangkay ng biktimang kinilalang si Antonio Bacalso sa tindi ng pagkasunog ng katawan nito. Batay sa ulat, naganap ang insidente pasado alas-12 ng madaling-araw kahapon habang mahimbing pang natutulog ang matanda sa loob ng silid nito ng makulong ng apoy sa sunog. Sa pa­hayag ng katulong ng biktima na si Bernadeth Marcos sa mga imbestigador naalimpungatan umano siya ng marinig ang malakas na pagsabog sa loob ng kuwarto ng matanda sa ikalawang palapag at kasunod nito ay binalot ng apoy ang buong kabahayan na ikinasawi ng biktima.  

Show comments