Jeepney vs tindahan: 2 dedo

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang ini­u­lat na nasawi habang limang iba pa ang malubhang na­sugatan makaraang salpukin ng pampasaherong jeepney ang isang tindahan sa Siruna Village, Marcos Highway sa Antipolo City, Rizal kamakalawa ng gabi. 

Kinilala ang mga na­matay na sina Virgilio  Abejar, 70, ng Unit-1 Pagrai, Brgy. Mayamot, Antipolo City; at Rodrigo Bartolome, 66,ng #54  Siruna Village, Phase-4, Brgy. Mambuga ng nasabing lungsod. 

Sugatan naman sina Jeniffer Docta, 35; Ariel  Docta, 37; Jesus Stephen Docta, 5; Rosie Osmenia, 53; at si Gadziel Osmenia, 8, pawang pasahero ng jeepney. Kalaboso naman ang driver ng jeepney na si Jojo Silbano, 26, ng Block 15,  Lot 20, Peace Village, Phase-3 sa Barangay San Jose, Antipolo  City. 

Lumilitaw na nawalan ng preno ang jeepney (TXE 108) ni Silbano na may rutang Cogeo-Cubao kaya sumalpok sa S&M store kung saan bumibili sina Abejar at Bartolome.

Show comments