13-anyos minolestiya ng bading

MANILA, Philippines - Kalaboso ang binagsakan ang isang 50-anyos na bading matapos itong ireklamo ng pangmomolestiya ng isang 13-anyos na binatilyo sa Tayabas, Quezon kamakalawa. Pormal na­man kinasuhan ang suspek na si Nolasco “Noli” Escala ng Brgy. Ginhawa, Taisan, Batangas. Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, ang biktima ay sinamahan ng mga magulang sa himpilan ng pulisya para magsampa ng reklamo laban sa suspek. Base sa testimonya ng biktima, naganap ang pangmomolestiya dakong alas-10 ng umaga sa Brgy. San Diego Z-2 , Tayabas may dalawang araw na ang nakalipas. Kaagad namang nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng pulisya at nasakote ang suspek.

Show comments