Tatay niratrat sa bahay

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City ,Philippines  — Isang 53-anyos na tatay ang iniulat na nasawi habang malubha naman ang anak nito matapos ratratin ng mga 'di-kilalang lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Amtic, Ligao City, Albay kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib si Romeo Villanueva habang sugatan naman ang anak nitong si Arnel Villanueva, 23, na naisugod sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital. Base sa police report, nanonood ng telebisyon ang mag-ama nang pasukin at pagbabarilin ng mga armadong lalaki. Wala naman malinaw na motibo ang naganap na krimen habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments