Mag-utol nagpatayan sa mana

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City ,Philippines  — Dahil sa alitan sa minanang lupa, isang 50-anyos na mister ang pinagtatataga hanggang sa mapatay ng kanyang nakatatandang kapatid sa Sitio Calpe, Barangay Mancao sa bayan ng Rapu-Rapu, Albay kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Rosaleo Barnedo habang sumuko naman ang suspek na si Romeo Barnedo, 53, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Lumilitaw na kap­wa lango sa alak ang mag-utol nang magkasalubong sa kalsada kung saan nagkasigawan kaugnay sa hatian sa minanang lupa mula sa kanilang mga magulang. Dito na pinagtataga ng suspek ang kanyang kapatid. Ed Casulla

Show comments