^

Probinsiya

Biyenan tinodas ng manugang

- Ni Tony Sandoval -

QUEZON ,Philippines  — Dahil sa panenermon, pinatay sa taga ang isang biyenan ng kanyang manugang habang sila ay nag-iinuman ng alak kamakalawa ng hapon sa Barangay Buenavista sa bayan ng Mulanay, Quezon. Nagmistulang kinatay na karne ang katawan ni Reynaldo de Villa, 56, habang tugis naman ng pulisya ang tumakas na suspek na si Jeremy Daleon. Ayon kay PO1 Arby Resullar, nag-iinuman ng alak ang magbiyenan sa bahay ni Rommel de Villa nang sermunan ng biktima ang kanyang manugang dahil sa madalas na pang-aaway nito sa kanyang asawa. Kaagad namang umuwi ng kanilang bahay ang suspek at pagbalik ay pinagtataga na ang biktima.

ARBY RESULLAR

AYON

BARANGAY BUENAVISTA

DAHIL

JEREMY DALEON

KAAGAD

MULANAY

NAGMISTULANG

QUEZON

REYNALDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with