4 utas sa firing squad
MANILA, Philippines - Apat-katao na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang pinayring squad ng mga armadong grupo sa Rio Grande de Mindanao River sa Cotabato City, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ni P/Senior Supt. Roberto Badian ang mga napaslang na sina Nasrudin Guiabar, Ismael Abdulwahid, Aliudin Datumanong na pawang nakatira sa Brgy. Bagua, Cotabato City at si Arafat Macmod ng Brgy. Salimbao, Sultan Kudarat, Maguindanao.
Base sa imbestigasyon, sinabi ng opisyal na bandang alas-10 ng gabi noong Sabado nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril ang mga residente sa Brgy. Poblacion Mother mula sa direksyon ng Rio Grande de Mindanao River.
Kaagad namang ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang insidente kung saan kinabukasan ay natagpuan ang bangkay ng apat na biktima, tatlo rito ay sa tabi ng ilog habang isa pa ang lumulutang na sa tubig.
- Latest
- Trending