Extortionist tiklo sa entrapment

CAMARINES NORTE, Philippines —  Kalaboso ang binagsakan ng isang 33-anyos na misis makaraang maaresto ng pulisya sa aktong nangingikil sa isang negosyante sa Bagasbas Road , Emil 4 Building sa Barangay 6 sa bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Mercy Timbal ng Purok 3, Brgy. San Jose sa bayan ng Basud. Si Timbal ay dinakma ng pangkat ni SPO2 Ace Juan Echano matapos magreklamo ang biktimang si Aida Cereno, 61, ng Happy Homes Pasig, Brgy. 2, Daet. Lumilitaw na isinailalim sa entrapment operation ang suspek kung saan naaktuhang tumatanggap ng P3,000 mula sa biktima bilang proteksyon sa kanyang negosyo.

Show comments