3 Abu Sayyaf bulagta sa military
MANILA, Philippines - Napaslang ang tatlong bandidong miyembro ng Abu Sayyaf Group matapos sumiklab ang sagupaan laban sa tropa ng military sa liblib na bahagi sa bayan ng Sumisip, Basilan, ayon sa ulat kahapon.
Ayon kay Regional Army chief Lt. Gen. Arturo Ortiz. isang sundalo rin ang nasugatan sa engkwentro na naganap sa bisinidad ng Barangay Etub-Etub.
Lumilitaw na nagsasagawa ng security operation ang tropa ng 12th at 14th Scout Ranger Battalion nang maispatan ang grupo ng mga bandido kung saan sumiklab ang bakbakan.
Tumagal ng 30-minuto ang sagupaan sa pagitan ng mga sundalo at grupo nina Abdulbaki Ismanul alyas Kumander Sahili, at Nurrodin Mudalam alyas Kumander Not.
Kaagad naman tumakas ang grupo ng mga bandido sakay ng tatlong motorized banca patungo sa direksyon ng Isla ng Saluping sa bayan ng Tabuan Lasa, Basilan.
Narekober ng encounter site ang tatlong bangkay ng Abu Sayyaf at dalawang M16 Armalite Rifles habang patuloy naman ang pagtugis sa nalalabing grupo ng Sayyaf.
- Latest
- Trending