TUGUEGARAO CITY, Cagayan ,Philippines – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang binatilyo ng kanyang kainuman sa bayan ng Amabaguio, Nueva Vizcaya kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Gabriel Abansi habang tugis naman ang suspek na si Dalma Lughni. Ayon kay Maria Abansi, pinagbantaan ng suspek ang kanyang anak. May teorya ang pulisya na pinag-awayan ng dalawa kaugnay sa isang babaeng waitress sa karinderya. Samantala, duguan at nalagutan na ng hininga si Lolo Edilon
Bonifacio, 65 matapos pagtatagain ng suspek na si Lolo Feliciano Buloloy sa bahagi ng Barangay San Agustin, Abulug, Cagayan. Sumuko naman ang suspek kay Barangay Chairman Martin Yacas Jr. na bitbit ang itak na ginamit sa krimen.