^

Probinsiya

16-anyos nagbaril sa ulo dahil sa selos

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahil sa matinding selos sa kaniyang lover, nag-suicide ang 16-anyos na babae matapos itong magbaril sa sentido sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Nuevo Trabaho sa bayan ng San Luis, Agusan del Sur kamakalawa.

Naisugod pa sa San Luis Health Center suba­lit idineklarang patay ang biktimang si Janice Dotdot na sinasabing gumamit ng improvised shotgun sa pagpapakamatay.

Ayon sa tagapagsalita ng Caraga PNP na si P/Senior Supt. Martin Gamba, bago maganap ang insidente ay kinompronta ng babae ang nobyong si Richard Marquez.

Lumilitaw na nag-aaway ang dalawa dahil sa pala­ging pagseselos ng babae sa kaniyang nobyo na madalas na atrasado na ang uwi sa kanilang bahay.

Sa tindi ng pagdaramdam ng biktima ay kinuha nito ang improvised shotgun at ipinutok sa kaniyang sentido malapit sa balikat kung saan nabigo na itong maisalba ng buhay sa ospital.

vuukle comment

AGUSAN

AYON

BARANGAY NUEVO TRABAHO

CARAGA

JANICE DOTDOT

MARTIN GAMBA

RICHARD MARQUEZ

SAN LUIS

SAN LUIS HEALTH CENTER

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with