^

Probinsiya

P2.3M ari-arian naabo

- Ni Victor­ Martin -

SOLANO, Nueva Vizcaya , Philippines — Tinatayang uma­abot sa P2.3 milyong ha­laga ng ari-arian ang tinupok ng apoy matapos masunog ang pamilihang bayan ng Maddela, Quirino noong Linggo ng gabi.

Ayon kay SFO1 Johnny Aduyeng ng Maddela Bureau of Fire Protection, isa sa pinagmulan ng apoy ay ang puwesto na pag-aari ni Cleto Dulnuan batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon.

Napag-alamang kumalat ang apoy dahil sa pawang mga gawa sa kahoy na pansamantalang pinagpuwestuhan ng mga nagmamay-ari matapos masunog ang kanilang da­ting mga stalls noong 2008.

 “Ang mga stalls na ito ay itinayo pansamantala para sa mga owner na biktima rin ng sunog sa loob ng palengke noong 2008, su­balit sa kasamaang palad, muli silang nasunugan sa ikalawang pagkakataon,” pahayag ni Aduyeng.

Napag-alaman na walang nailigtas na anumang paninda na karamihan ay mga groceries dahil nasa kalagitnaan ng gabi nang maganap ang sunog.

ADUYENG

AYON

CLETO DULNUAN

JOHNNY ADUYENG

LINGGO

MADDELA

MADDELA BUREAU OF FIRE PROTECTION

NAPAG

NUEVA VIZCAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with