RIZAL ,Philippines — Patay ang isang 17-anyos na binatilyo habang malubha naman ang apat nitong kasamahan makaraang tumaob ang sinasakyang traysikel nang sumalpok sa steel railings sa gilid ng kalsada, kahapon ng umaga sa Sitio Balso, Brgy. Calahan sa bayan ng Cardona, Rizal. Idineklarang patay sa Queen Mary of Help Hospital si Gerald Rebong ng Bonifacio Ext. Brgy. Tandang Kutyo,Tanay habang kritikal naman sina Jaymart Ilagan, 22, tricycle driver; Jess Berana ng Pastos, Mahilig Street; R-Jay Delos Santos, 19; at si Raymond Lozano, 19. Nabatid na pauwi ang mga biktimang lulan ng tricycle (WZ-2014) na minamaneho ni Ilagan mula sa inuman nang mawalan ng kontrol kung saan sinalpok ang steel grill sa gilid ng kalsada.