^

Probinsiya

Mag-amang trader itinumba

- Ni Tony Sandoval -

LUCENA CITY, Quezon ,Philippines  – Napaslang ang mag-amang negosyante makaraang pagbabarilin ng nag-iisang lalaki sa beranda ng kanilang bahay sa Reymar Compound, Barangay Gulang-gulang, Lucena City, Quezon kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Virgilio Riego, 61; at Joseph Riego, 27, habang patuloy pang nagsasagawa ng follow-up operation upang makilala ang gunman.

Sa ulat nina SPO1 Alvin Evangelista at PO2 Miljun Magadia, nakatayo sa beranda ang matandang Riego nang nakita nito ang isang lalaki na pabalik-balik sa harapan ng kanilang bahay.

Nang tanungin ni Virgilio ang lalaki ay mabilis na niratrat ito sa ilong na tumagos sa likod ng ulo kung saan sasaklolo sana si Joseph subalit maging siya ay binaril din sa ulo.

Narekober ng mga imbestigador sa crime scene ang sulat para sa isa pang anak ni Virgilio na si Christina na nagsasaad na uubusin sila ng gunman.

Samantala, kinondena ngayon ng mga residente ang pamunuan ng pulisya sa pamumuno ni P/Supt. Ramon Balauag dahil sa patuloy na pagtaas ng antas ng kaso ng krimen sa nasabing lungsod.

Kulang sa police visibility at ang higit na pinagtutuunan ng pansin ay ang panghuhuli ng mga illegal vendor sa palengke at ang panghuhuli sa mga kolurom na tricycle.

vuukle comment

ALVIN EVANGELISTA

BARANGAY GULANG

JOSEPH RIEGO

LUCENA CITY

MILJUN MAGADIA

QUEZON

RAMON BALAUAG

REYMAR COMPOUND

VIRGILIO

VIRGILIO RIEGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with