CAMARINES NORTE, Philippines — Tatlong magkakapatid na pangunahing mga suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang 15-anyos na dalagita ang nadakma ng pulisya sa inilatag na operasyon sa Barangay Caorasan sa bayan ng Bula, Camarines Sur kamakalawa. Pinangunahan ni P/Chief Insp. Eugenio Manondo, hepe ng PNP Bula, Camarines Sur ang pag-aresto sa mga suspek na sina Ernesto El Cano, Gilbert El Cano at Michael El Cano na pawang nakatira sa Barangay Bula.
Sa record ng pulisya, ang mga suspek ay sinasabing humalay sa isang 15-anyos sa kulungan ng baboy sa nasabing barangay noong Biyernes ng umaga (Agosto 23).