Pamilya ng sinalvage nagpasaklolo sa NBI
OLONGAPO CITY, Philippines – Nagpasaklolo na sa pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pamilya at kaanak ni Eddie Olanda na sinasabing dinukot saka sinalvage ng dalawang pulis-Gapo sa Barangay Barretto noong Sabado ng gabi (Agosto 24).
Nais ng pamilya ni Olanda partikular na ang asawang si Melanie na isailalim sa masusing imbestigasyon ng NBI si PO1 Eleazar Jimenez at isa pang pulis para makamit ang hustisya.
“Kung sa himpilan ng pulisya kami magrereklamo baka mapunta lamang ang kaso sa wala dahil mga kabaro ng mga suspek ang mag-iimbestiga,” pahayag ni Melanie.
Lumilitaw na si PO1 Jimenex ay nakuhanan ng closed circuit television camera sa E-Games sa nabanggit na barangay na pangunang sumundo sa biktima bago ito matagpuang patay sa isang bayan sa Bataan.
Wala naman ginagawang aksyon ang pamunuan ng Gapo PNP laban kay PO1 Jimenez at iba pang pulis na sangkot sa brutal na pamamaslang sa biktima.
- Latest
- Trending