2 Hapones inakyat-bahay

BULACAN, Philippines  — Dalawang estudyanteng Hapones ang inakyat-bahay sa Barangay Caniogan, Calumpit, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang nagreklamong sina Shuta Dashita 20; at Daisuke Nakamori, 21, kapwa tubong Nabori City, Mie Prefecture, Japan at pan­samantalang nakatira sa Brgy. Caniogan, Calumpit. Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Roberto Valdez, 58, katiwala sa lodging house na tinutuluyan ng mga biktima. Sa ulat ni P/Supt. Manuel Santos, walang palatandaang winasak ang pintuan ng bahay ng mga biktima kung saan sinabi ng landlady na si Pilar Cadaig na inamin sa kanya ng katiwala na tumangay ng malaking halaga at ari-arian ng dalawang Hapones. Narekober naman sa bahay ni Cadaig ang mga personal na kagamitan ng mga biktima at agad ding isinauli ito.

Show comments