Mister nagtampo sa misis, nagbigti

RIZAL, Philippines — Isang 21-anyos na mister na sinasabing nagtampo sa kanyang misis ang nag-suicide matapos magbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Sitio Maligaya, Barangay San Isidro, Antipolo City, Rizal kahapon ng umaga. Bandang alas-7 ng umaga nang matagpuang nakabitin ang biktimang si Kier  Soriano kung saan pinilit pang isugod sa Antipolo District Hospital subalit idineklarang patay.

Show comments