Mister kinatay ng senglot

QUEZON, Philippines – Pinagtataga hanggang sa mamatay ang isang tricycle driver ng senglot na lalaki matapos na tumanggi sa pakikipagsuntukan kamakalawa ng gabi sa Barangay Inalusan sa bayan ng Lopez, Quezon. Nagmistulang karne ang katawan ng biktimang si Medel Malubay, 59, ng Barangay Bebito habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Alijandro Masaganda. Ayon kay SPO4 Raul Paraiso, lumilitaw na nakikipag-usap ang biktima kay Regina Llanera nang hamunin ng suspek. Hindi naman pinatulan ng biktima ang paghahamon ng suspek dahil sa lango ito sa alak bagkus ay umalis na lamang. Dito hinabol ng suspek ang biktima saka pinagtataga. May teorya ang pulisya na pinagselosan ng suspek ang biktima dahil sa pakikipag-usap nito sa kaibigang babae.

Show comments