^

Probinsiya

Suspek sa Batangas massacre, tiklo

-

BATANGAS ,Philippines  – Bumagsak na sa kamay ng pulisya ang suspek sa pagpatay ng tatlo niyang kamag-anak sa bayan ng Lian, Batangas matapos masakote sa loob ng Baclaran Church kahapon ng umaga.

Ayon kay P/Senior Ins­pector Joel Laraya, Lian police chief, payapang naaresto si Roldan Mendoza habang kausap nito ang kanyang asawa sa simbahan bandang alas-11:30 ng umaga.

Mabilis na naaresto ng pulisya ang suspek dahil na rin sa pakikipagtulungan ng asawa nitong si Hilda.

Napag-alamang naki­pag-ugnayan si Hilda sa mga pulis matapos mag-text at tumawag sa kanya si Roldan kung saan nakipagkasundong makikipagkita sa loob ng Baclaran church.

“Inamin naman sa amin ang krimen at nagdilim daw ang isip n’ya (Roldan) dahil na rin sa kalasingan,” ani Laraya

Nagawang saksakin ni Roldan ang mga kaanak nang hindi ito pahiramin ng P500 ng kanyang tiyahin.

Nang tanungin ng PSNGAYON kung bakit sa simbahan ito nagtago “nang matauhan ako, bigla akong nagsisi sa nagawa ko at humingi na rin ng tawad sa Diyos,” pahayag ni Roldan.

Sa tala ng pulisya, si Mendoza ay itinuturong pumaslang sa tiyahin niyang si Merlita Austria at mga pinsang sina Emmanuel at Emelita Austria habang nasa loob ng kanilang bahay sa Barangay Luya­han, Lian, Batangas noong Sabado ng gabi.

vuukle comment

BACLARAN CHURCH

BARANGAY LUYA

BATANGAS

EMELITA AUSTRIA

HILDA

JOEL LARAYA

LIAN

MERLITA AUSTRIA

ROLDAN

ROLDAN MENDOZA

SENIOR INS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with