Ex-councilor tiklo sa droga

RIZAL, Nueva Ecija ,Philippines  – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang dating councilor na sinasabing nasa talaan ng PNP bilang drug pusher makaraang maaresto sa buy-bust operation sa Barangay Cabucbucan, Rizal, Nueva Ecija noong Huwebes ng hapon. Pormal namang kinasuhan ni P/Supt. Ricardo Villanueva, hepe ng police intelligence branch, ang suspek na si ex-Rizal Councilor Cresencio Factor, 42, ng Barangay Estrella. Nasamsam sa suspek ang 10-plastic sachet ng shabu at marked money na ginamit sa buy-bust. Samantala, nadakip din ang sinasabing drug courier ni Factor, na isang 17-anyos na lalaki sa bahagi ng Barangay del Pilar. Hindi naman nabatid kung bakit tumagal ng 10 taong ang negosyong shabu ng suspek na hindi na-monitor ng pulisya.

Show comments