^

Probinsiya

Senglot na driver lasog sa truck

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang bina­lewala ng isang driver ang batas na ipinagbabawal ang magmaneho ng seng­lot kaya naman napaaga ang pagsalubong kay kamatayan makaraang masalpok ng truck ang kanyang motorsiklo sa national highway ng Barangay Bucayao sa Calapan City, Oriental Mindoro noong Biyernes ng hapon.

Sa ulat na tinanggap kahapon ni PNP-Highway Patrol Group Director P/Chief Supt. Leonardo Espina, kinilala ang nasawi na si Fernando Riofloredo ng Brgy. Sta. Cruz, Calapan City.

Sugatan namang ang driver ng truck na si Regie Aguarin, at mga sakay nitong sina Catalino de Guzman, Kenneth Zuleta at Celestino Aldovino na pawang naisugod sa Calapan City Medical Center.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, lumilitaw na pinag­sabihan ng ilang kaibigan si Riofloredo na iwasang magmaneho su­balit binalewala nito kaya kahit lango sa alak ay pinilit pa ring magmotorsiklo patungo sa Brgy. Managpi.

Lingid sa biktima ay nakaamba na ang pagsalubong ni kamatayan matapos sumalpok sa kasalubong na Isuzu truck (WGR -803) ni Aguarin.

BARANGAY BUCAYAO

BRGY

CALAPAN CITY

CALAPAN CITY MEDICAL CENTER

CELESTINO ALDOVINO

CHIEF SUPT

FERNANDO RIOFLOREDO

HIGHWAY PATROL GROUP DIRECTOR P

KENNETH ZULETA

LEONARDO ESPINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with