^

Probinsiya

Holdapan sa Tacloban

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Hinoldap ng tatlong armadong kalalakihan ang sangay ng LBC sa Tacloban City, Leyte kahapon ng umaga. Sa ulat ni Tacloban City Police Director P/Senior Supt. Wilson Caubat na nakarating sa Camp Crame, magbubukas pa lamang ang establisyemento sa kahabaan ng Veteranos Avenue dakong alas-7:30 ng umaga nang pumasok ang tatlong lalaki na nag­panggap na kustomer at kasunod nito ay tinutukan ng baril ang mga kawani ng LBC. Wala namang nagawa ang mga kawani sa takot sa tatlong armado ng baril na agad nagdeklara ng holdap saka pinabuksan ang safety vault at nilimas ang malaking halaga. Nabatid na ikinulong ang mga kawani sa palikuran saka tumakas ang mga holdaper. Isa sa mga anggulong sinisilip ng pulisya ay inside job dahil sa kabubukas lamang ng LBC ay alam na may lamang pera ang vault.

vuukle comment

CAMP CRAME

HINOLDAP

ISA

LEYTE

NABATID

SENIOR SUPT

TACLOBAN CITY

TACLOBAN CITY POLICE DIRECTOR P

VETERANOS AVENUE

WILSON CAUBAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with