3 tulak arestado sa P5M cocaine
CAVITE, Philippines — Tatlo-katao ang nadakma matapos makumpiskahan ng P 5 milyong halaga ng cocaine sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa lalawigan ng
Cavitekamakalawa.
Sa ulat ni P/Senior Supt. John Bulalacao, sumasailalim na sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Alex Mingoy, 34; Bobby Yape, 43; at Arnold Toledo, 33, ng Barangay Bautista, Dasmariñas, Cavite.
Ayon sa ulat, si Mingoy ay nasamsaman ng 250 gramo ng cocaine sa bahagi ng Soriano Highway sa bayan ng Tanza, Cavite.
Sumunod na naaresto sina Yape at Toledo na nakumpiskahan ng 750 gramo ng droga
Lumilitaw na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad kaugnay sa talamak na pagbebenta ng illegal na droga kaya naglatag ng dragnet operation na nagresulta sa pagkakabitag sa mga suspek.
Sa pahayag ni Mingoy na napilitan lamang siyang magbenta ng cocaine upang ipambili ng gamot ng kanyang ina na may high blood pressure habang may prostate cancer naman ang ama nito. Cristina Timbang at Joy Cantos
- Latest
- Trending