Basted sa panliligaw, nag-suicide
MANILA, Philippines - Dahil sa hindi matanggap na kabiguan sa unang pag-ibig, winakasan ng isang 15-anyos na binatilyo ang kaniyang buhay matapos itong uminom ng lason (cyanide) sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan kamakalawa.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, itinago sa pangalang Marvin ang biktima na estudyante ng Mangaldan National High School at nakatira sa Brgy. Embarcadero.
Lumilitaw na bago ang pagpakamatay ay pinagalitan ng kanyang mga magulang ang biktima matapos damdamin ang pagkabasted sa kanyang nililigawan.
Nang makaalis ang mga magulang ay saka naman nagpakamatay ang biktima na nasaksihan pa ng kaniyang kapatid na halos natulala sa matinding pagkabigla.
Base sa salaysay ng kapatid, nakita pa niyang inihalo ng biktima ang cyanide sa juice at ininom kamakalawa.
Ilang saglit pa ay namilipit sa sakit ng tiyan, tumirik ang mata at bumula ang bibig ng biktima kaya naman isinugod sa ospital pero namatay din.
- Latest
- Trending