15-anyos ni-rape slay

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 15-anyos na estudyante na hinalay muna saka sinakal hanggang sa mapatay ng hindi kilalang lalaki sa Barangay Caorasan sa bayan ng Bula, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Bandang alas-7 ng umaga nang natagpuan ang mga labi ng biktimang high school student na walang saplot sa katawan sa bakanteng kulungan ng baboy sa nabanggit na barangay. Sa inisyal na ulat ng pulisya, huling namataang buhay ang biktima na kasama nito ang ilang kaibigan na nagkakantahan sa videoke bar. Namataan din ang biktima na nag-iisang nag­lalakad pauwi nag biglang maglaho sa dilim.

Show comments