9-anyos dedo sa bus

CAVITE, Philippines - Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang 9-anyos na batang lalaki matapos masagasaan ng pampasaherong bus sa Aguinaldo Highway sa Barangay Sampalok 2, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi. Naisugod pa sa ospital subalit namatay din si Anjo Guerra ng #166 Greensite Malinta habang nasakote naman ang drayber ng bus na si Rolando Orillo, 4, ng Brgy. Balubad 1, Silang, Cavite. Lumilitaw na biglang tumawid ang biktima kung saan hindi naman naiwasan ng Erjohn Transit Bus (DXS- 826) ni Orillo. Sinagot naman ng operator ng bus ang gastusin sa ospital at pagpapalibing sa biktima.

Show comments